One Million Pesos and an Accident

Nagsimula na pala na non-celebrity ang contestants sa Pilipinas, Game KNB? At nagsimula na rin ang mga aksidente sa taping nito. Kamakalawa ng gabi, finally ay may nakakuha na ng P1M grand prize. Ito’y isang contestant mula sa Mexico, Pampanga. Pero, may nangyaring aksidente during the taping.

Ibinalita sa akin ni Kris Aquino ang aksidente. “From the tarantarium (holding area ng mga contestant), nadulas ‘yung contestant,” simula ni Kris. “At ang nakakaloka, nadulas siya tapos ang daming dugo. He was rushed sa ABS-CBN medical clinic for first aid and later on, dinala na siya sa Capitol Medical Center.

“Natigil ang taping dahil sa aksidente. Kinausap ‘yung contestant kung kaya pa niya dahil sa sugat niya. He said yes. So, we went on and God is really good.

“Imagine, sa final round, he was able to answer the question? Talagang destined siyang manalo,” kuwento ni Kris.

Hanga ang aktres-TV host sa nasabing contestant. “Imagine, puro na siya dugo, tapos ang concern pa niya is nasira niya ‘yung set. Panay ang sorry niya. Kinilabutan ako sa eksenang yon,” dagdag na kuwento nito.

Anytime this week ay ipalalabas ang nasabing episode ng PGKNB?

Pilipinas GKNB?
Kris Aquino
ABS-CBN
Philippines


No comments: